Chapter 6
"Loyal siya sa asawa niya. Hindi ko alam kung magagawa ko ang misyon ko.."
"Kasing haba ng nguso mo yung nguso ng pamangkin ko kapag tinotoyo. Ano ka ba Ayesha, umayos ka nga? Don't give up beh!Huwag kang mawalan ng pag-asa. Natural si Kiel Monteverde iyon eh! Mahihirapan ka talagang akitin siya lalo na't may asawa siya"
Napabuntong hininga ako. Narito kami ngayon sa bahay nila Danica. Sinundo ko siya. Pupunta kasi kami ngayon sa hospital kung saan ipapa-schedule namin ang chemo theraphy ni nanay Cora. Sa mas maayos na hospital kaysa sa dating hospital ni nanay.
Nagpapasama ako kay Danica dahil may kaibigan siyang nurse na maaaring makatulong samin upang makapag-schedule ng mabilis.
"Paano nalang kapag binawi ni madam Carolina yung unang milyon na binayad niya sakin?" Namomoblema kong pahayag kay Danica
Kasalukuyan na siyang nagsasapatos dahil nagmamadali na kami. Naikwento ko na kay Danica ang mga nangyari sa unang pagkikita namin ni Kiel Monteverde.
As usual pinagtawanan lang ako ni Dan nang ikwento ko sakanya ang mga kapalpakan ko
"Bakit naman kasi inuna mo pang lumafang ng manok at burger kaysa magpa-impress kay Kiel? Maturn off talaga yun sayo"
Lalong humaba ang nguso ko.
"Eh nag-aalburoto na ang sikmura ko at isa pa alam mo namang hindi ako marunong mang-akit"
"Sa ganda mong yan? Kung ako ganyan kaganda panigurado shota ko na si mayor."
Natawa ako sa sinabi ni Danica.
"Sira ka talaga"
"Bakit? Diba kahit poorita lang tayo napakaraming nagkakagusto sayo? Kung hindi ka lang naging jowa ni Roger panigurado hahaba ang listahan ng mga lalakeng nanligaw sayo. Oh diba? Naalala mo nung high school at college tayo? Ikaw ang crush ng bayan--"
"Sus binobola mo pa ako! Wala akong pera. Tara na ang bagal mo. Paalala ko lang rin sayo Dan ha ikaw ang manlilibre sa lunch natin ngayon ha?"
Sabay silang natawa ni Danica.
"Bawasan mo ng kaunti yung pera mo para makapag-jollibee naman tayo. Charing! Alam ko namang para kay nanay Cora ang perang yan kaya sige ako na bahala sa lunch natin."
"Walang biro friend. Maganda ka talaga. Kailangan mo lang ng kalandian sa katawan. Parang wala kang ganun eh"
"Grabe ka naman."
"O bakit marunong ka bang umungol? Baka nga hindi eh"
Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Danica.
"Kailangan pa bang umungol ako kapag gagawin namin yon? Pwede bang pipikit na lang ako?"
Natawa siya kaya hinampas niya ang braso ko. Medyo masakit manghampas si Danica pero sanay na ako. Ganyan lang talaga siya kapag tuwang tuwa siya.
"Manuod ka ng x-rated movie para malaman mo. Diba gusto mong maging successful yang misyon mo? Mag effort ka girl. Ako kinakabahan sayo eh. Wala tayong pambabayad kay Cartolina kapag nagkataon pumalpak ka"
"Carolina hindi Cartolina" Napapangiti ko nalang sambit pero ang totoo kinakabahan at napepressure rin ako
Nag-paalam na kami ni Danica sa mama niya bago kami sumakay ng jeep papuntang hospital.
Habang nasa jeep kami panay ang tingin ko sa cellphone kong luma.
"Kahit ilang beses mo yang tignan hindi ka na talaga itetext nun."
Inirapan ko si Danica dahil sa sinabi niya.
"Grabe ka Dan, malay mo naman? Sana magmilagro"
"Ilang araw na bang hindi nagtetext sayo si Kiel?"
"Dalawang araw na.." Sagot ko pagkatapos kong bumuntong hininga.
Dalawang araw na akong naghihintay ng text o tawag mula kay Kiel. Umaasa ako na kahit papaano maiisip niyang itext man lang ako.
Nag private message pa nga ako sa social media account niya pero hindi man lang niya naseen iyon. Mukhang hindi siya active sa kahit anong socmed account niya.
"Paano kung hindi ka niya tawagan?"
"Kapag bukas wala parin siyang text o tawag sakin, manghihingi nako ng tulong kay madam Carolina. Napapagod na rin kasi akong magpabalik balik sa bar eh."
Dalawang gabi na kasi akong bumalik sa bar kung saan ko siya unang nakita. Pero kahit anino ni Kiel ay hindi ko man lang nakita doon.
"Mamayang gabi babalik ka parin sa bar? Sama mo naman ako"
"Hindi yata pwede eh. Isang VIP card lang ang binigay sakin ni madam."
Nang makarating kami ni Danica sa hospital nakausap agad namin yung kaibigan niyang nurse. Mabait at maaasahan. Madali niya kaming napa-schedule para sa mga treatment na gagawin sa nanay ko.
Binayaran ko agad lahat ng medical treatment and chemo theraphy na gagawin para sa nanay Cora ko. Natatakot kasi ako baka bawiin agad ni madam Carolina yung pera niya eh.
"Maraming salamat po doc." Maluhaluha kong pasasalamat sa doctor na nakausap namin. Sa susunod na punta namin sa hospital maaasikaso na agad nila ang nanay ko. Nakaschedule na kasi ang panibagong chemo ni nanay.
Nang magtanghalian, nilibre kami ni Danica. Sinama niya pa ang nurse na kaibigan niya bilang pasasalamat namin sa nagawa niyang tulong samin.
Kumain kaming tatlo sa jollibee.
"Ang lakas ng ulan no?"
"May bagyo yata eh" Sagot ko habang kumakain ng jolly spagetti. Paborito ko ang spagetti ng jollibee.
Mayamaya pa may tumawag sa cellphone ni Danica. Yung boyfriend niya. Gusto daw makipagkita kay Danica sa cubao. Samantalang nauna nang umalis yung nurse pabalik sa hospital dahil tapos na daw ang lunch break nito.
"Ayesha pwede ikaw nalang mag-isa umuwi? Alam mo naman malamig ang panahon ngayon kaya nagyaya si boyfriend ko sa--"
"Oo na alam ko na kung saan yan. Osige mag-ingat ka Dan." Humalik pa sa pisngi ko si Danica bago nagmamadaling umalis.
Napabuntong hininga ako. Mabuti pa ang kaibigan ko may karisma.
Samantalang ako? Ganda lang ang meron ako pero hindi man lang naakit sakin ang supladong Kiel na iyon.
Uuwi na sana ako nang marealize kong naiwan ko yung bag ko sa bahay nila Danica! Sa sobrang chikahan namin ni Danica ang nadala ko lang yung brown envelope na may laman na mga laboratory result ni nanay Cora. Ibinigay ko na kanina sa doctor lahat ng kailangan nila.
Hindi ko man lang naalala yung bag ko! Paano na ako uuwi nito?
"Naku naman oh.."
Itetext ko sana si Danica pero nalowbat naman ang phone ko habang nag-tatype palang ako ng text message
"Hala malas naman oh!"
Tumayo agad ako para habulin si Danica sa labas ng jollibee. Pero wala na siya doon. Mukhang nakasakay na ng jeep.
Napahagod ako sa aking buhok. Paano na ako uuwi nito? Wala akong pamasahe pauwi. Ang lakas lakas pa naman ng ulan.
Nahihiya naman akong lumapit sa nurse na kaibigan ni Danica. Baka busy na iyon ngayon sa duty niya. At isa pa hindi naman kami close para utangan ko agad siya ng pamasahe ko
Nag-isip pa ako ng ilang minuto. Pero wala talagang ibang paraan para makauwi ako.
Wala akong choice kundi lakarin ang daan patungo sa bahay namin.
Wala rin akong dalang payong kaya basang basa ako.
"Nakakainis naman oh!"
Nakasimangot ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Malayo-layo na rin ang nalalakad ko. Pero sa tingin ko wala pa ako sa kalahati ng lalakarin ko pauwi ng bahay namin. Nag-aalala rin ako sa cellphone ko dahil basang basa na iyon sa loob ng bulsa ng aking pantalon
Napatingin ako sa pamilyar na kotseng huminto sa harapan ko.
Namilog agad ang mga mata ko nang maalala ko kung kaninong kotse ang kotseng ito!
"T-Teka diba kotse ni Kiel to?"
Pinupunasan ko yung mukha ko at pilit kong tinitignan ng mabuti kung kotse ba talaga ni Kiel ang nasa harapan ko
Ang lakas kasi ng ulan eh.
Tinted ang buong kotse kaya hindi ko nakikita kung sino ang driver ng kotseng iyon. Pero parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang ibaba ng driver ang bintana ng kotse nito
Nakita ko agad si Kiel na nakasimangot habang nakatingin sakin
"It's really you. What are you doing? Are you crazy? Bakit ka nagpapaulan?" Sunod sunod na tanong niya sakin. Medyo sumisigaw pa siya dahil ang lakas ng ulan
"K-Kiel? Hala! Ikaw nga!"
Unti-unti naman akong napangiti. Parang gusto ko pang pumalakpak sa pasasalamat. Sa wakas makakasakay nako!
"What are you doing here? Get inside!" Sigaw na tanong ni Kiel bago niya binuksan yung pinto ng passenger seat mula sa loob ng kotse niya
"Salamat naman sa diyos at nakita mo ko!" Sasakay na sana ako sa kotse niya pero narealize kong basang basa nga pala ako! Kaya sinarado ko nalang ulit yung pinto ng kotse niya. Nakakahiya dahil mababasa ng husto yung kotse niya kapag umupo ako sa loob. Baka masira ko pa iyon eh! Wala pa naman akong extrang pera para ipangbayad
"Why?! Get inside!" Sigaw ni Kiel upang marinig ko siya
Ngumiti ako na parang basang sisiw. Tapos kinaway ko yung kamay ko.
"Salamat nalang Kiel! Pero mababasa yung kotse mo!" Pasigaw ko rin sabi sakanya para marinig niya ako.
"No it's okay! Get inside!" Sagot niya kaya muli akong umiling at kinumpas ko ulit ang kamay ko
"Huwag na! Salamat nalang! Walang pambayad baka masira ko yung upuan ng kotse mo--"
"I don't care! Sumakay kana basa na rin naman yung kotse ko!" Sagot niya kaya napakagat labi ako
Aba mabait naman pala ang supladong gwapo na ito? Hindi nako nagpakipot pa dahil napapagod na rin naman akong maglakad
Nagmadali na akong sumakay sa loob ng kotse niya. Mabilis kong sinarado yung pinto.
"Damn ang tagal mong sumakay. Anong ginagawa mo sa ulan? Bakit nagpapaulan ka?" Kunot nuong tanong niya bago niya hininaan yung aircon ng kotse niya habang nag-susuot naman ako ng seatbelt
"Naku mabuti nalang nakita mo ko. Pasensya kana kung basang basa tong kotse mo ha? Nakalimutan ko kasi yung bag ko. Wala akong pamasahe eh kaya naglakad ako pauwi"
Kunot parin yung nuo niya habang nakatingin sakin. Bahagyang namula ang pisngi niya nang mapatingin siya sa dibdib ko. Bakat na bakat kasi yung itim na bra ko at ang malulusog kong dibdib!
Manipis na tshirt lang kasi ang suot ko at pantalon.
Agad ko naman tinignan kung saan siya nakatingin.
"Ayyy!" Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko.
Nag-iwas agad siya ng tingin sakin at mabilis niyang hinubad yung business coat niya.
"Here isuot mo to" Kunot nuong abot niya sakin ng coat niya
"Huwag na nakakahiya naman sayo--"
"Isuot mo na" Pag-pupumilit niya kaya naman kinuha ko na sakanya yung coat niya. Ang bango grabe!
Habang sinusuot ko yun nakatingin siya sakin.
"Saan ka ba pupunta?"
"P-Pauwi nako eh. Ihatid mo nalang ako sa boni station." Hindi ako makatingin sakanya dahil nahihiya ako sa pagbakat ng dibdib ko.
Bakit nung isang gabi hindi ako nahiya sakanya? Nung pinakita ko sakanya ang s**o ko? Siguro dahil sinasadya ko yun. Pero ngayon hindi ko naman sinasadyang ibalandra sa harap niya itong mga papaya ko.
Nakakahiya baka isipin niya inaakit ko talaga siya. Well totoo naman inaakit ko siya.
"Hindi kita mahahatid doon. The road going there is already closed due to the flood. Doon ka muna sa condo ko malapit na iyon dito. May dryer ako don."
"Nakakahiya naman sayo. Pero salamat ha? Kung hindi mo pala ako nakita baka lumangoy na ako sa baha ngayon.."
Paano ako uuwi mamaya?
Nagsimula na siyang magmaneho.
"You look different today" Komento niya sakin nang mapansin niya iba ang itsura ko ngayon kaysa noong gabi kaming unang nagkita
Doon ko palang naaalala na mukha pala akong basahan ngayon! Wala rin kahit anong makeup ang mukha ko at parang basang sisiw ang buong katawan ko.
Mabuti nalang at natural na mapupula ang labi ko at mga pisngi ko lalo na ngayong nilalamig ako.
"Muntik na kitang hindi makilala. I thought it wasn't you."
Peke akong ngumiti at naghanap ng idadahilan. Pero napapalunok nalang ako dahil wala akong maidahilan sakanya
"Ganito lang talaga ako kapag umaga lowkey lang.." Napangiwi ako at tinago ko sakanya ang pagkainis ko sa sarili ko.
Nakakahiya naman! Wala man lang akong kaayos ayos sa katawan ko ngayon. Kung napangitan nga siya sakin last time eh paano pa kaya ngayon? With my only bare face!
"You look younger." Komento pa nito na ikinapula ng pisngi ko dahil sumulyap pa siya sa akin bago siya muling tumingin sa kalsada