Chapter 5
"Ihahatid na kita"
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sumakay agad ako sa loob ng kotse ni Kiel. Bigla akong nabuhayan ng loob
"Saan ka nakatira?" Tanong niya pagkatapos niyang sumakay rin sa kotse niya.
"Sa mandaluyong--"
Nawala naman unti unti ang ngiti ko ng maalala kong hindi niya pala pwedeng malaman kung saan ako nakatira! Panigurado magtataka siya kung bakit maliit ang bahay namin. Mukha pa naman akong anak mayaman ngayon dahil sa makeover na ginawa sakin
Natigilan ako sa pagsasalita at napalunok. Nag-iisip ako kung saan ako maaaring magpahatid kay Kiel.
Wala naman akong ibang maisip kundi ang bahay nila Danica. Medyo mas malaki kasi ang bahay nila kumpara sa bahay namin
Pero magtataka parin si Kiel kung paano ko naafford ang outfit ko ngayon kung simpleng tahanan lang nila Danica ang ituturo ko
Naku po. Kaninong bahay ako magpapahatid? Ayoko na rin naman maghintay ng taxi dahil wala naman yatang taxi na napapadaan sa bar na iyon. Panay private cars lamang.
"Something wrong?" Kunot nuong tanong ni Kiel sakin nang matagalan ako sa pag-sagot
"N-Naalala ko kasi may dadaanan pa pala ako bago ako umuwi. Kaya ihatid mo nalang ako sa ano.. Sa sakayan ng bus? Sa may edsa?"
"Sakayan ng bus?" Lalong nagtaka si Kiel. Napapakunot lalo yung nuo niya sa pagtataka sa mga sinasabi ko
"O-Oo mag bus kasi ako papunta sa kaibigan ko" Nagkakanda-utal utal kong sagot kay Kiel
Kunot parin yung nuo niya. Pero hindi na siya kumibo.
Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya nagtanong pa.
Nakahinga na ako ng maluwang. Napapatingin ako sa labas ng bintana at natanaw ko yung sikat na hotel para sa mga lovers. Yung Sogo hotel? Madalas ko yan marinig kay Danica eh. Doon daw nagpupunta yung ibang mga magkarelasyon upang maglambingan.
Bigla akong nakaisip ng ideya.
"Kiel?"
"Hmm?" Mahinang tanong niya. Mukhang naiinis siya sa bagal ng usad ng mga sasakyan sa harap namin.
Sanay na ako sa edsa. Palagi talagang trapik. Medyo maulan pa naman sa labas kaya doble ang bagal ng usad ng mga sasakyan.
"H-Hotel yun diba? Ayaw mo ba talaga Kiel?"
Tinignan niya yung tinuturo ko sakanyang kulay pulang gusali. Hindi siya kumibo pero napakunot lang ang nuo niya
"Tara Kiel? Pagbigyan mo na ako. Three hours lang?" Pagpupumilit ko pa sakanya. Ang alam ko kasi may mabilisan na pag-check in sa hotel na iyon dahil madalas akong biruin ni Danica noon na nag-hotel daw ito ang ang nobyo nito ng tatlong oras sa Sogo Hotel
"You're the weirdest" Napapailing na sambit ni Kiel na para bang nawewierdohan siya sakin.
"Sayang naman. Hindi ka ba nanghihinayang sa kagandahan ko? Mukhang masarap naman ako diba?"
Bahagyang tumaas ng kaunti ang labi niya. Ewan ko ba kung natatawa siya o ano? Pero saglit lang iyon dahil naging seryoso ulit ang face niya
Parang gusto ko na lumubog sa kinauupuan ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Sorry naman! Hindi naman kasi ako marunong mang-akit. First time kong mag-aya sa lalake no!
Hindi ko alam kung effective ba itong pangungulit ko kay Kiel dahil parang hindi naman siya naaakit?
Nakukulitan pa yata sakin. Baka isipin pa nito nababaliw na ako.
Tumahimik nalang tuloy ako. Hard to get pala si Mr. Kiel Monteverde! Eh bakit sabi ni madam malandi daw si Kiel?
Parang ang hirap nga landiin eh!
Napapatingin ako sakanya pero kapag napapatingin siya sakin blangko lang ang expresyon ng mukha niya
"Sure ka bang hindi ka na magpapahatid sainyo? Medyo umaambon"
"Oo sure ako. Huwag mo na akong ihatid dahil malayo pa ang pupuntahan ko."
Kaunting katahimikan ulit yung namayani sa pagitan namin ni Kiel.
"You said, matagal mo na akong gusto. Saan mo ba ako nakilala?" mayamaya tanong niya sakin na nagpataranta ng kaunti sa systema ko
Tumango ako.
"Oo simula ng makita kita sa Tv hindi kana nawala sa isip ko. Naging crush na agad kita. Pinapangarap ko na someday makakasama kita at maging nobyo ko. Pero nagkaroon ka na ng asawa eh"
Mabuti nalang nakaisip agad ako ng isasagot ko. Kung hindi baka mabuking na talaga ako ni Kiel.
Tahimik lang siyang nakikinig sakin.
"Ngayong alam mong wala kang pag-asa sakin magmove on kana. Bata ka pa naman marami ka pang makikilalang iba. Tigilan mo na yang pagkahibang mo sakin."
Napangiwi tuloy ako. Grabe naman mangbasted tong taong to? Harap harapan talaga eh! Hindi man lang nagpaligoy ligoy.
"Aray ko. Basted na agad ako" Kung narito lang si Danica baka humagalpak na iyon sa pagtawa dahil sa pambabasted sakin ni Kiel
"I'm a married man." Pinakita niya pa sakin yung singsing na suot niya sa kanyang isang daliri.
Bahagya akong napaisip. Bakit parang proud naman si Kiel sa relasyon nila ni madam? Baka naman tamang hinala lang si madam? Baka misunderstanding lang ang problema ng mga ito?
Kung ano mang problema nila, labas na ako doon. Ang mahalaga lang sakin ngayon magawa ko ang misyon ko.
"Ang swerte naman ng asawa mo"
Napansin kong naging seryoso yung gwapong mukha ni Kiel. Tapos hindi na siya nagsalita pa hangang makarating kami sa bus station sa edsa cubao.
"Nandito na tayo." Para bang pinapababa na niya ako dahil hindi parin ako kumikilos sa kinauupuan ko. Nag iisip pa kasi ako kung paano ako makikipaglapit pa ng husto kay Kiel.
Naniniwala kasi ako na kapag may tiyaga may nilaga. Baka sakaling kapag nagtiyaga ako sa pangungulit sakanya, baka pumayag rin siya someday.
"Kiel pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" Lakas loob na tanong ko habang tinatangal ko yung seat belt ko
"No"
Napangiwi ako sa sagot niya
"Grabe ilang beses mo nako binusted ngayong gabi ah?"
"Baba na. Mag-iingat ka."
Napanguso ako kaya napatingin siya sa labi ko. Hindi ko naman iyon napansin dahil may bigla akong naisip na ideya.
"Pahiram nalang ng cellphone mo?"
"Why?" Kunot nuong tanong niya.
Hindi ko na hinintay pang pumayag siya dahil ako na mismo dumampot ng cellphone niya. Nasa gitna lang naman ng kotse eh! Nakapatong sa magnetic something
"What do you think your doing?" Akmang aagawin niya sakin yung phone niya pero nilayo ko
"Ilalagay ko lang sa cellphone mo yung number ko. Tawagan mo ako kapag gusto mo akong makita muli ah?"
Mabuti nalang walang passcode ang phone niya kaya madali kong nailagay ang number ko. Binalik ko naman agad yung phone niya sa ibabaw ng magnetic cellphone holder. Sinigurado ko talagang tama ang cellphone number na nilagay ko doon.
Ayesha. Iyan ang nilagay kong pangalan ko sa phone niya.
"Anytime pwede mo akong tawagan. Kahit busy ako pupuntahan agad kita--"
"That will never happen. I already told you to move on." Napapailing nalang siya dahil wala naman siyang nagawa ng i-save ko yung cellphone number ko sa cellphone niya
"Malay mo magbago ang ihip ng hangin? Aabangan ko ang text mo sakin ha? Kapag i-crush back mo nako i'm just one call away."
Ngumiti ako ng matamis.
"Bye" Binuksan na niya ng kusa ang pinto ng kotse. Automatiko iyon bumukas. Para bang pinabababa na niya talaga ako. Nakukulitan na yata talaga siya sakin.
Akala niya siguro bababa na agad ako. Kaya nagulat siya nang nakawan ko siya ng isang halik sa pisngi niya! Pasalamat nga siya sa pisngi ko lang siya hinalikan dahil hindi naman ako marunong humalik sa lips.
Napakunot agad nuo niya nang halikan ko ang pisngi niya pero nginitian ko lang siya ng pinakamatamis na ngiti ko. Naiwan pa yung kaunting red lipstick ko sa pisngi niya
"Good night kiss ko yan sayo. Bye Kiel. Nararamdaman ko tatawagan mo agad ako mamaya dahil hindi ka makakatulog sa halik ko"
"Get off my car now" Iritableng pagtaboy niya sakin. Namula rin ang tenga niya. Ewan ko ba kung dahil sa inis?
Kumindat pa ako sakanya bago ako bumaba ng kotse niya.
"Bye love you Kiel! Sweetdreams!"
Tumakbo na ako patungo sa bus station dahil medyo lumakas yung ulan.
Nawala ang ngiti ko nang makasakay na ako sa bus. Papuntang boni station. Taga mandaluyong kasi ako. Mag-tricycle nalang ako mamaya sa boni.
"Palpak mo naman Ayesha! Nakakainis ka! Hindi ka ba marunong lumandi self? Bakit ganon ginawa mo?" Pasimple kong sinabunutan ang sarili kong buhok. Hiyang hiya kasi ako sa mga pinagsasabi ko kay Mr. Kiel.
Panigurado hinding hindi ako tatawagan ng isang iyon. Mabigat tuloy ang loob ko nang umuwi ako sa bahay namin.
Nanghina pa ako lalo nang mapatingin ako kay Nanay Cora. Nakahiga na sila ni tatay Ben sa kwarto nila nang silipin ko sila.
Dahan dahan kong sinarado yung pinto ng kwarto nila.
Napasandal ako sa pader. Tinakpan ko yung bibig ko dahil napahikbi ako. Parang may pumipiga kasi sa puso ko. I'm such a failure. Paano na ngayon si nanay Cora? Paano na yung theraphy's at mga gamot niya?
Baka bawiin ni madam yung binayad niya sakin? Huwag naman sana. Dahil gagawin ko pa ang makakaya ko sa susunod baka sakaling pumayag na si Kiel.
Lalo pa akong kinabahan nang magtanong si madam kinabukasan kung kamusta daw ang naging pagkikita namin ng asawa niya kagabi
Ang aga agang tumawag ni madam. Alas-otso palang ng umaga nanghihingi na agad ng update.
"M-Mrs.Carolina, medyo suplado po ang asawa niyo pero gagawin ko po ang lahat para mapalapit ako sakanya" Sagot ko kay Mrs. Carolina. Inamin ko sakanya na nahirapan akong kuhain ang loob ng asawa niya
"That's okay. Take your time. Maaakit mo rin yan baka nagpapakipot lang yan sayo. Akala ko pa naman magkasama kayo magdamag. Hindi kasi siya umuwi sa bahay namin kagabi"
"Ho nasaan ho siya?"
"Baka nandon siya sa sariling condo niya. Doon naman siya madalas matulog eh. Anyway update mo nalang ako kapag may progress na sa misyon mo. Mag-iingat rin tayong dalawa. Hindi muna ako tatawag sayo o magtetext ng tungkol sa update baka kasi magkasama kayo at baka mabuking pa tayo."
Bahagya akong nakahiga sa sinabi ni madam. Mabuti naman at nauunawaan niyang mahirap akitin ang asawa niya
"Okay po madam este Mrs.Carolina"
"Whatever. Take your time pero huwag naman too much! Just do your job as soon as possible. bye!"