Bar

1811 Words
Chapter 4 "O-One night stand? Gusto mo?" Alok ko sakanya Saglit siyang natigilan at lalong napasimangot. Lagot na! Mukhang palpak na talaga ako. "I don't know you. Hindi ako nakikipaglaro sa hindi ko kilala" Seryosong sagot niya. Muli siyang umupo sa kinauupuan niya kanina. Napalunok naman ako. Medyo suplado pala si Mr.Kiel. Nakakahiya tuloy. "Edi magpapakilala ako sayo. I'm Ayesha. Pero sige diyan ka muna. Nagugutom na kasi talaga ako. Babalikan kita diyan mamaya!" Nagmadali na akong pumunta sa bar counter. Ramdam kong nakasunod parin ang tingin ni Kiel sakin. Pero hindi ko na talaga kaya ang kumukulong sikmura ko. Kinakain na yata ng bituka ko ang maliit kong bituka sa sobrang gutom ko eh. "Hello saan dito pwedeng kumain?" Nakangiti at frienly kong tanong sa bartender "Hello rin. Ha? Kumain? You mean food?" Nagtatakang tanong ng bartender pero mabilis pa sa alaskwatrong lumapit sakin "Opo. Nagugutom na kasi ako eh. Kahit anong food lang sapat na" Sabi ko tapos napapahawak ako sa tiyan ko. Napapalingon ako sa table ni Kiel. Nakatingin parin siya sakin pero blanko lang ang expresyon ng mukha niya. Nginitian ko siya at kinawayan saglit. "Doon sa kabilang part ng bar ang resto. Gusto mo samahan na kita? Bago ka lang yata dito ha? I'm Jake by the way." Pagpapakilala sakin nung bartender. Inilahad niya pa yung kamay niya sakin kaya nakipagshake hands ako sakanya "Ako naman si Ayesha." Bahagya kong naramdaman yung pagpisil ni Jake sa kamay ko kaya binawi ko agad yung kamay ko. Manyakis pa yata itong bar tender eh. Lantaran niya kasing tinignan ang dibdib kong parang nakalabas na ang kalahati sa sobrang baba ng neck line ng damit ko "Salamat Jake sige punta nako doon." Lumingon ako saglit kay Kiel. Hindi na siya nakatingin sakin kaya naisipan kong pumunta muna sa resto bar. Nabusog ako sa inorder kong chicken wings and chicken burger! Sinulit ko talaga ang free food dito sa resto bar. Ginutom naman kasi ako ni madam eh! Pagkatapos kong kumain, nagtungo muna ako sa bathroom para magtoothbrush. Siyempre dala ko yung self care pouch ko. Nilagay ko iyon mula sa lumang bag ko kanina. May gargle pa nga eh! Pagkatapos kong magtoothbrush at gargle nag lipstick ulit ako, yung binigay ni madam sakin kanina na red lipstick ang ginamit ko. Nagwisik rin ako ng pabango bago ako lumabas ng comfort room. Nakahinga ako ng maluwang nang makita ko si Kiel na nakaupo parin doon sa table niya kanina. Pero may dalawang babae na sa tabi niya. Babaero nga yata si Kiel ah? Dalawa pa ang katable eh! Alin kaya sa mga iyan ang kabit niya? Grabe parang walang asawa ah? Naglakad ako palapit kay Kiel. "Hi Kiel. Tapos nakong kumain. Tara na?" Pagyaya ko kay Kiel na para bang feeling close ako sakanya Napatingin tuloy sila sakin tatlo. Napaangat ang kilay nung dalawang babae. "Who are you?" Mataray na tanong ng isang babae sakin. Grabe ang ganda rin niya para siyang barbie Nakatingin naman si Kiel sakin na parang naweweirdohan. Naku po. Sorry naman hindi naman kasi ako marunong mang-akit eh. "I'm his mistress" Nagkatinginan ang dalawang babae. Samantalang napaangat naman ang labi ni Kiel. "Ladies, excuse us" Pagtataboy ni Kiel sa dalawang babae kaya naman umalis na ang mga ito. Tinignan ako ni Kiel mula sa legs ko paakyat sa katawan ko hangang sa mukha ko. Habang ginagawa niya iyon kinakabahan ako at parang may nagrarambulan mga daga sa puso ko. "I don't know who sends you here. You don't belong here. Umuwi kana miss. You're not my type" Suplado niyang sabi bago niya ininom yung shot glass na nasa harap niya Nalaglag yata ang panga ko sa pagkakapahiya sa lantarang pag-reject ni Kiel sakin. Naku hindi pwede! Ayokong bawiin ni madam ang binayad niya sakin. Nagmadali akong umupo sa tabi ni Kiel. Napansin kong napakunot agad ang nuo niya. Lalo na ng yumakap ako sa braso niya. "Try mo muna ako kahit ngayong gabi lang. Free taste promise walang bayad" "What the? Get off me." Tinangal niya yung kamay ko sa braso niya "Ang sungit mo naman Mr. Kiel. Sige na mag one night stand na tayo" Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. Tapos napailing nalang siya. "May gatas ka pa yata sa labi. Halatang hindi ka sanay makipag-one night stand. You don't even know what you're saying." Muli akong kumapit sa braso niya. Tapos idinikit ko sa braso niya ang cleavage ko. Iyon lang kasi ang alam kong nakakaakit sakin eh. "Try mo lang! Malay mo naman masarapan ka sakin--" "W-What do you want from me? Halatang halata ka eh" Tumayo si Kiel at parang nainis sa ginawa ko. Bahagyang namula rin ang pisngi niya. Hindi ko sigurado kung dahil ba iyon sa inis sakin. "H-Halatang ano?" Tumayo rin ako "Nevermind." Sagot niya tapos naglakad na siya palayo sakin. Nanlaki yung mata ko dahil iniwan niya ako sa loob ng bar Nagmadali akong sumunod sakanya "Kiel saglit lang!" Nahabol ko siya hangang sa tapat ng kotse niya. "Sakay!" "Ha?" "Sasakay ka o iiwanan kita?" Nagmadali naman akong sumakay sa loob ng kotse ni Kiel. Hindi ko rin alam kung bakit ako sasama sakanya. Saan niya ako dadalhin? Pero hindi niya pinaandar yung kotse niya. Nakaupo lang kami sa loob. Ang bango ng loob ng kotse niya kasing bango niya grabe! "Now tell me, who sends you?" Seryosong tanong ni Kiel "H-Ha? Wala" Kaila ko. Ang aga ko naman mabuking? Lagot na! "Really ha? Why are you looking for me and why do you want to have s*x with me tonight? Ngayon pa nga lang tayo nagkakilala tapos iyon na agad ang bungad mo sakin." Napabuntong hininga ako. Natatakot akong mabuking kaya nag-isip agad ako ng aliby ko "S-Sorry naman. C-Crush na crush kasi talaga kita Kiel. Infact mahal kita eh. Obsessed ako sayo. Matagal kong pinagplanuhan makalapit sayo pero kinakabahan ako kaya kung ano anong lumalabas sa bibig ko. I really like you Kiel. Ikaw palang yung lalakeng nagustuhan ko ng ganito. Alam kong may asawa kana kaya kahit one night stand lang masaya na ako.." Pasimple kong pinagkrus ang mga daliri ko sa paa ko at palihim na nanalangin na sana maniwala si Kiel sa palusot ko. Ayokong mapurnada ang misyon ko. Namula ang mga mata ko nang maalala ko ang nanay ko. Nagmukha tuloy seryoso ang pagdrama ko habang nakatingin sakin si Kiel Natigilan naman siya. "You love me?" Napalunok ako. "Oo sobra. Mahal na mahal kita Kiel kaya heto ako ngayon naglalakas loob na makipagkilala sayo. Kahit isang gabi lang mapa-sakin ka magiging masaya na ako." Napansin niya yung lungkot sa mga mata ko kaya iniisip niya sigurong seryoso ako sa pinagtatapat ko sakanya Wala siyang kamalay-malay na ang pagmamahal ko sa nanay Cora ko ang nakikita niyang emosyon ngayon sa mga mata ko Natatakot akong pumalpak sa misyon na ito. Bahagyang kumalma ang gwapong mukha ni Kiel. Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. Parang naawa siya sakin habang nakatingin sakin. Kitang kita niya ang kalungkutan sa mga mata ko. Umaasa akong pagbibigyan ako ni Kiel. "Handa akong ibigay lahat sayo Kiel. Kahit isang gabi lang pagbigyan mo sana ako." Napabuntong hininga siya. Saglit siyang natahimik. Pakiramdam ko naniniwala na siya sa sinasabi ko. "I'm sorry Miss, pero ikaw na rin ang nagsabi, may asawa na ako. Hindi ako nakikipag one night stand. I'm a married man. Marami ka pang makikilalang ibang lalake. You're very pretty maraming magkakagustong ibang lalake sayo. Payo ko lang sayo sa susunod huwag kang magmamahal ng taong may asawa na." Tumulo yung luha ko. Kasi pakiramdam ko pumalpak ako sa misyon ko. Paano na si nanay Cora? Napalunok naman si Kiel. Agad siyang kumuha ng tissue paper sa gilid ng kotse niya para iabot sakin. "Huwag mo akong iyakan miss. Nakokonsenya tuloy ako niyan" Lalo pang napalakas ang hagulgol ko. "Please Kiel kahit ngayong gabi lang?" "I'm really sorry" "Bakit yung dalawang babae sa table mo kanina pwede? Bakit ako ayaw ko? Wala naman akong sakit Kiel. Malinis ako. Birhen pa nga ako hangang ngayon. Masarap rin naman siguro ako sa kama? Ewan ko kung magaling ako. Gagalingan ko naman para sayo. Kahit isang gabi lang.." Bumuntong hininga siya. "Don't lower yourself just because you love someone else. Makakalimutan mo rin ako. Ngayong alam mo na hindi ako pumapatol sa ibang babae. I don't want to cheat. Kasal ako sa asawa ko. Sana maunawaan mo yun" Napayuko ako dahil totoo naman yung sinabi ni Kiel. Susuko na ba agad ako? Pero naalala ko yung payo sakin ni Danica noon. Hangat hindi mo pa sinusubukan lahat ng best mo huwag ka raw susuko. "Mukhang maayos ka naman na babae. And i know maiintindihan mo--what the--Anong ginagawa mo?" Nanlaki yung mata ni Kiel nang hubarin ko yung strap ng dress ko. Lumantad sa harap niya yung malulusog at bilugang hinaharap ko Napatitig siya sa mga iyon na para bang napapalunok pa. "Kiel pagbigyan mo na ako.." Napalunok siya at hindi maalis ang tingin sa dibdib ko. Pero pumikit siya ng mariin at nagmadali niyang ibinalik ang strap ng suot kong dress. "Damn! Don't do that! I told you don't lower yourself! Damn!" Galit niyang sigaw sakin Nanliit tuloy ako. Pakiramdam ko kahit maghubad pa ako sa harap ng lalakeng to wala talagang talab. Lumabas siya ng kotse at parang sumagap muna ng sariwang hangin. Nainitan yata siya sa loob ng kotse eh. Samantalang nakayuko lang ako. Umiiyak ako para sa nanay ko. Paano na yan? Ngayon palang palpak na ang misyon ko. Paano na ang nanay ko? Paano ko pa maibabalik ang pera ni Mrs.Carolina? Akala ko madali lang papayag si Mr. Kiel. Nagkamali ako. Mayamaya pa pumasok na ulit si Kiel sa loob ng kotse niya. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita" Tumingin ako sakanya. Nakita niyang namumugto ang mga mata ko. "Huwag na mag-tataxi nalang ako." Malungkot kong paalam sakanya Bababa na sana ako sa kotse niya nang pigilan niya ako sa braso ko. "B-Bakit?" Huminga siya ng malalim bago siya umiling tapos binitawan ako. "Wala. Sige ingat ka" Laglag ang balikat kong lumabas ng kotse niya. Paano ko kaya sasabihin kay madam na palpak ang misyon ko? Naiyak nanaman tuloy ako. Akala siguro ni Kiel umiiyak ako dahil sakanya. Feel na feel siguro niyang may gusto ako sakanya. Bwisit siya! Dahil sakanya hindi ko mapapagamot ng tuloy tuloy ang nanay ko. Wala naman akong nararamdaman sa Kiel na iyon. Crush ko lang siya. Pero hindi pa ako siraulo para umiyak ng ganito dahil lamang sakanya. Si Roger nga hindi ko iniyaka ng todo eh. Iniyakan ko lang yung panloloko niya sakin pero after that wala na hindi na ako umiyak. Naghihintay ako ng taxi nang makita kong bumalik yung kotse ni Kiel at huminto sa harapan ko. Lumabas siya ng kotse niya tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. "Sakay" "Ha?" "Ihahatid na kita"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD