Chapter 40 Masakit ang balakang ko nang magising ako kinabukasan. Hindi na ako nagtaka kung bakit hayok na hayok parin si Kiel sa pakikipagtalik dahil ganoon naman talaga siya noon pa man Pero kagabi para bang may kasamang galit ang bawat pagbayo niya sakin. Bawat pag-alon ng katawan namin ay tila gusto niyang iparamdam sakin na hindi na niya iniingatan ang katawan ko. Wala ng paglalambing sa bawat haplos niya. Panay kasabikan lang at pangangailangan ng katawan niya ang ipinaramdam niya sakin. Dahan dahan akong bumangon. Malungkot akong napatingin sa magulong kama ko. Narito kasi ako nakatulog sa sahig. Dito kami huling nagtalik ni Kiel kagabi at dito na ako nakatulog Bahagyang kumirot ang puso ko nang maalala ko ang huling sinabi ni Kiel bago siya lumabas ng kwarto ko kagabi Flashb