Chapter 39 "Tay okay naman ho ako rito. Huwag po kayong mag-alala sakin. Ginawa lang akong kasambahay ni Kiel. Siguro okay na rin po ito para makabawi ako sa nagawa kong kasalanan sakanya noon." "Pero anak. Akala ko ba tatakas ka?" Sagot ni tatay Ben sa kabilang linya. Narito ako ngayon sa maids room na ipinapagamit sakin ni manang Mahina lamang ang boses ko habang kausap ko ang tatay ko. Hindi kasi ako mapakali kung kamusta na ba sila. Kasalukuyan pa silang nasa biyahe pabalik sa probinsya namin ayon sa tatay ko "Tatakas po ako tay. Pero siguro maninilbihan muna ako kahit isa o dalawang buwan dito sa bahay ni Kiel. Para kahit papaano hindi na rin ako makonsensya sa nagawa kong pakikipag-ugnayan sa asawa niya noon" Napabuntong hininga si tatay. "Sabagay anak. May punto ka. Huwag ka n