UMIGKIS ang palad ng dalagang si Cassadee sa kaliwang pisngi ni Carmina. Naging dahilan iyon upang mabaling sa ibang direksiyon ang kaniyang mukha. Mabilis niya itong muling binalingan ng tingin at kuyom ang mga kamaong sinalubong ang mga titig nito. Halos maningkit ang mga mata ng babae habang nakatitig sa kaniya. "Listen here, you b*tch! Hindi mo kilala ang binabangga mo. Oras na hawakan mo pa ulit ang pagmamay-ari ko, pagsisisihan mo ang araw na pinanganak ka!" Lumakas ang bawat paghinga niya. Buong lakas niyang pinigilan ang sarili na sampalin pabalik ang babae. Kahit pa ba kumikirot na ang pisngi niya, hindi niya pa rin ito ginantihan. Biglang nagbalik sa isip niya ang nangyari sa isla—ang pagbabanta ng kapatid nitong lalaki. Kaya pala ito ganito dahil may pinagmanahan ito. Kung hin