ILANG beses bumuntong-hininga si Carmina habang nakaupo sa harap ng mesa at nakapangalumbaba. Dalawampung minuto na rin ang lumipas simula nang tawagan niya si Gabriel. Nakaligo na siya, nakapagpalit ng damit at nakapagwisik ng mumurahing pabango, ngunit wala pa rin ang lalaki. Kumuha siya ng isang turon na nasa puting plato sa harap niya. Iyon ang turon na binili kanina ng Ninang Betla niya para sa kaniya. Umuwi lang ito sandali upang kumuha ng mga damit at makeup para sa mga bagong dancers nito. Tinitigan niya ang isang litro coke sa tabi at pinigilan ang sarili na buksan iyon. Kanina pa siyang naglalaway sa coke ngunit hindi niya ito ginagalaw. Hinihintay niya kasi si Gabriel. Naningkit ang mga mata nang idikit ang kamay sa bote ng coke. "Nawawala na ang lamig!" Inis na ibinaba niyan