"I'M getting married to Carmina." Umawang ang bibig ng kakambal niyang si Gabby. Bakas ang pinaghalong gulat at pagkalito sa mukha nito. "Carmina? Who's Carmina?" untag pa ng dalaga. Si Olivia naman ay mahahalata ang biglang pagbabago ng ekspresiyon. Huminga ito nang malalim at pumikit nang mariin. Makaraan ang ilang segundo ay muli itong nagmulat ng mga mata at sa pagkakataong iyon, madilim na ang anyo nito. "Did I hear you right?" nakataas ang isang kilay nitong tanong. Unti-unting tumatalim ang bawat titig nito sa kaniya. Ngumiti siya sa matandang babae. "Yes, mamita." Mula rito ay bumaling siya sa kakambal at mas lalong lumapad ang ngiti, tila tuwang-tuwang ipaalam sa mga ito ang tungkol kay Carmina. "Siya ang ina ng magiging anak ko." Napasinghap ang dalaga. Halata ang pagkag