Chapter Seventy-eight

1073 Words

NAKATANAW si Carmina sa labas ng bintana habang binabaybay niya ang baku-bakong daan patungo sa lupaing nabili ni Gabriel. Mapuno at malawak ang kagubatan sa magkabilang-gilid ng daanan. Magkakalayo rin ang mga bahay kaya masasabi niyang tahimik ang paligid. Ang bilihan ng pagkain at mga gamit ay nasa kabilang barangay pa. Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Gabriel sa isang hita niya kaya nilingon niya ito. Nakangiti ang lalaki habang nakadiretso ang tingin sa daan. "Ayos lang ba ang ganitong lugar sa iyo, love?" tanong nito na dagli siyang tinapunan ng tingin. Nasa isang malayong probinsiya sila ng Masbate. Probinsiya iyon ng nanay niya bago pa man ito tumungo sa Maynila upang makipagsapalaran. Ngumiti naman siya bago hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa hita niya. Hinalikan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD