ILANG beses nagpakawala ng buntong-hininga si Gabriel habang mataman na nakatitig sa mukha ng lalaking naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang anak. Walang makikitang reaksiyon sa mukha nito na kahit kaunting emosiyon ay hindi mababakasan. Mahigit kalahating oras na silang nakaupo simula nang dalhin ito roon ng mga pulis. Ayon sa pulis na tumawag sa kaniya, sinabi raw nitong tawagan siya dahil may kailangan itong sabihin. Ngunit ngayon na magkaharap sila ay tila wala naman itong balak na magsalita. Mukhang pinaglalaruan lamang siya ng lalaki. Muli ay nagpakawala siya ng buntong-hininga bago nagdesisiyong tumayo. "Ito na sana ang huli nating pagkikita." Akmang tatalikuran na niya ito nang bigla itong magsalita. "Ilang taon na akong nakakulong dito, pero ni minsan ay hindi ako nagawang da