PILIT siyang ngumiti sa lalaki at yumakap dito. Kahit na tila ayaw na niyang bitiwan pa si Gabriel ay wala siyang nagawa kundi sumang-ayon. "Salamat pala, ah?" bulong niya habang nakayakap pa rin sa lalaki. "Para saan?" "Sa pagliligtas mo sa akin." Muli siyang nakaramdam ng takot nang maalala ang nangyari kanina. "Kung hindi ka dumating, b-baka—" "Sshh. Huwag mo nang isipin iyon." Humigpit ang yakap ni Gabriel sa kaniya. "Ako ang dapat na magpasalamat at humingi ng sorry sa iyo." Nag-angat siya ng paningin habang nakayakap pa rin sa asawa. Nakita niya ang pamumula ng mga mata ni Gabriel. Tila ba maluluha na ito ngunit pinipigilan lamang ang sarili. "Napakagago ko para pagsalitaan ka ng masasakit na bagay. Ang laki kong gago sa mga ginawa ko. I'm sorry." Naluha na rin siya sa mga nar