"G-GABRIEL... Gabriel!" buong lakas niyang isinigaw ang pangalan ng asawa. Sinabayan naman ito nang malakas na halakhak ni Pj. "Gabriel? Wala na iyon! Hindi ka na babalikan no'n! Akin ka na!" muli nitong sinundan ng tawa ang mga sinabi. Akmang huhubarin na nito ang pantalon niya nang bigla silang makarinig ng malalakas na yabag na papalapit sa kinaroroonan na. Lumingon si Pj sa pintuan at isang malakas na suntok ang natanggap nito. "Hayop ka!" bulyaw ni Gabriel at mabilis itong inalis mula sa ibabaw niya. Putok agad ang labi ni Pj nang muli itong pagsusuntukin ni Gabriel habang nakahiga ito sa gilid ng kama. Agad niyang kinuha ang kumot at nanghihinang itinakip iyon sa sarili. Nanginginig ang buong katawan na pinanood niya kung paano tumalsik ang dugo mula sa sugat sa mukha ni Pj habang