Chapter Seventy-four

1138 Words

"SIGURADO ka na ba sa desisiyon mo?" malungkot ang boses ni Betla habang tinutulungan siyang ligpitan ang kaniyang mga gamit. Bumuntong-hininga siya bago malungkot na ngumiti. "Sabi nga nila, kung mahal mo talaga ang isang tao, palalayain mo siya." Nag-angat siya ng tingin sa matanda at naramdaman ang isang luha na naglandas sa pisngi niya. Mabilis niya iyong pinalis. "Ito ang gusto ni Gabriel. Ibinibigay ko lang kung ano ang makakapagpasaya sa kaniya." Pilit na ngumiti si Betla. "E, bakit kailangan pa nating umalis dito? Pinapaalis niya ba tayo?" Umiling siya ng ilang beses. "Nakakahiya kasi, ninang. Hindi naman ito sa atin, e. Pagmamay-ari niya ito." Marahas na nagbuga ng hangin ang matanda. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "Sige, maliligo lang ako at pagkatapos,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD