MARIING ipinikit ni Gabriel ang mga mata matapos sumimsim ng alak sa hawak niyang baso. Humigpit ang pagkahahawak niya rito nang muling magbalik ang mga sinabi ng babae kanina. Hindi niya mawari kung ano talaga ang nararamdaman. Nasasaktan at nagagalit siya sa isiping handang makipaghiwalay sa kaniya si Carmina. Kahit pa matapos niyang makita ang mga litrato nito kasama ang ibang lalaki, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na makipaghiwalay rito. Oo at galit siya, pero hindi ibig sabihin niyon, gusto na niyang makipaghiwalay sa asawa. Ngunit si Carmina, ganoon lang kadali para dito na sabihin iyon. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila. Hindi niya tuloy mapigilang mag-isip na baka totoo nga na may relasiyon ito at ng lalaking iyon. At kaya ito nakikipaghiwalay sa kaniya ay handa na ito