"HANDA ka na bang iwan si Master Arellano?" Umalpas ang isang luha sa pisngi ni Carmina. Kasama niya si Betla habang nakaupo sa tabi ng lapida ng anak niya. Kagabi, matapos ng nasaksihan ay agad siyang umalis ng club at pumunta sa libingan ni Baby JR. Labis na sakit at paghihirap ang nararamdaman niya; wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak sa puntod ng anak. Ni hindi na niya ininda na nasa sementeryo siya at madilim ang paligid; basta gusto na lamang niyang ilabas ang sakit na nararamdaman. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari. Sana ay siya na lang, siya na lang ang namatay at naiwan ang mag-ama niya. Dahil sa puntong iyon, hindi lang anak ang nawala sa kaniya, pati na rin asawa. "May ibang pagpipilian pa ba ako, ninang? Parang wala na rin naman. Hindi ko na kaya, e. Sobrang