HINDI magawang galawin ni Carmina ang pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa. Nasa kitchen sila ni Betla at kasalukuyang naghahapunan, pero sa halip na kainin ang niluto ng matandang bakla, pinaglaruan niya lamang ang kanin at ulam sa plato niya. Wala siyang ganang kumain dahil sa dami ng problemang iniisip niya. Ni hindi na nga niya maramdaman ang pangangalam ng sikmura kahit pa halos isang linggo na siyang hindi kumakain nang maayos matapos siyang iwan ni Gabriel. "Hindi mo ba talaga gagalawin iyang pagkain mo?" tanong ni Betla matapos nitong ubusin ang laman ng sariling plato. Nag-angat siya ng paningin sa matandang bakla. Walang mababakas na emosiyon sa mga mata at mukha niya. Kung titingnan ay parang nawalan na siya pakiramdam. Sa dami ba naman ng pinagdadaanan niya, kahit sino ay mam