"DOC, sandali!" Agad na tumayo si Olivia at mahigpit na hinawakan ang kamay ng doktora. "Pagkatapos n'yong mailigtas ang apo ko, gawin ninyo ang lahat para mabuhay ang asawa ng apo ko. Please, doktora. Don't let her die." Positibong ngumiti ang babaeng doctor saka tumango. "I'd be honest, maliit ang tiyansa na maka-survive siya, but we will do everything we can." Pagkatapos bumalik sa loob ng delivery room ang doctor ay siyang dating naman ng dalawang lalaking kanina pa hinihintay ni Gabrielle. Agad niyang nilapitan ang mga ito nang may malaking ngiti sa mga labi. "Mabuti naman at nakaabot kayo!" Nakuha niya ang atensiyon nina Olivia at Betla na agad na tinitigan ang babaeng kasama nina Zacharias at Liandro. "What's his decision?" untag ni Liandro nang makalapit sa kanila. "Ang bata,"