TILA kandilang unti-unting nauupos si Gabriel matapos marinig ang sinabi ng doktora. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa mahabang upuan at nagsimulang bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Halu-halong emosiyon ang nararamdaman niya pero tila minamanhid naman ng mga narinig ang utak niya. Hindi siya makapag-isip nang tama. Pakiramdam niya ay tumutulin ang ikot ng mundo. Nabibingi siya at tila sasabog ang puso niya sa sobrang sakit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at marahas na nasabunutan ang buhok gamit ng dalawang kamay. Tanging ang nakangiting mukha ni Carmina ang nakikita niya sa kadiliman. Ang magaganda nitong mga mata, mamula-mulang mga labi at mga ngiting laging tumutunaw sa puso niya. "No." Nanghihina siyang tumayo at muling h