HINDI mapigilan ni Carmina ang pagbigat ng pakiramdam sa nararamdamang kaba. Lalo pa nang hawakan siya sa kamay ni Gabriel at itago sa likuran nito. Tila ba pinoprotektahan siya ng lalaki mula sa isang mabangis na tigre. Natanaw niya sa malayo ang paghinto ng yate at ang pagsulong ng lalaking nakasuot ng itim na shirt. Ibinaba nito ang isang inflatable orange boat. Sumunod rito ang isa pang lalaking nakasuot ng classic white button down shirt at black dress pants. Nagsimulang magsagwan ang nakaitim na lalaki habang ang nakaputi naman, tuwid lang na nakatayo habang nakaharap sa kanila. Nakasuot ito ng mamahaling sunglasses at wristwatch. Nang maabot ang dalampasigan ay bumaba na ito ng bangka at lumapit sa kanila. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Gabriel sa kamay niya kaya napati