MASAYANG nagsasalo sina Carmina at Betla habang nag-uusap sa harap ng hapagkainan sa loob ng kanilang apartment. Nagluto si Betla ng spicy chicken adobo para lang sa kaniya. Nagtimpla pa ito ng juice na paborito niya. Maliban pa roon ay gumawa rin ito ng fruit salad na paborito nito. Balak nilang kainin iyon bukas ng umaga. "O, basta, ha? Simula ngayon, kakain ka na sa tamang oras! Hindi ka magpapalipas ng gutom, lalo na sa umaga!" Napangiti siya habang nakatingin sa Ninang Betla niya. Kinuha nito ang platong pinaglalagyan ng spicy chicken adobo at muli siyang nilagyan sa plato niya. "Ninang, busog na ako. Kanina pa tayo kumakain," tumawa siya matapos sabihin iyon. Umiling naman si Betla. "Kapalit iyan ng lahat ng umagang hindi ka kumain!" Ngumiti na lamang siya bago pinagpatuloy ang