Chapter Sixty-three

1854 Words

MULA sa ospital ay umuwi si Carmina na lugmok at wasak ang puso. Sinubukan niyang habulin si Olivia upang pakiusapan, ngunit hindi na niya ito naabutan sa labas ng ospital. Tinungo naman niya ang mansiyon ng mga Arellano pero ayaw rin siyang papasukin ng security guard na nagbabantay sa gate. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Blanko ang isip niya at tanging ang sakit mula sa mga pangyayari ang nararamdaman niya. Umuwi siya ng apartment nila at katahimikan ang sumalubong sa kaniya. Wala na ang maingay na pagsalubong sa kaniya ng kaniyang anak. Wala na ang matatamis nitong mga ngiti. Wala na ang mga halik na pumapawi sa kaniya mula sa kalungkutan at pasakit. Pagkasara ng pintuan sa likod, paluhod siyang bumagsak sa sahig at mariing napapikit. Nagsimula siyang humagulhol habang nakah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD