Chapter Sixty-two

1844 Words

YAKAP ang sarili at patuloy sa pagbaha ang mga luha sa magkabilang pisngi—ito ang hitsura ni Carmina habang nakatayo sa tapat ng kainan nila at kausap ang mga pulis. Mahigit tatlong oras na nilang sinusuyod ang loob at buong paligid ng kainan para hanapin si Baby JR. Halos baliktarin na nila ang kainan ngunit ni anino ng anak niya ay hindi na nila nakita. Maski ang ibang tao sa paligid na nakakikilala sa kanila ay tumulong na rin pero bigo silang mahanap ang bata. Mahigpit siyang niyakap ni Betla matapos nitong sabihin ang buong pangyayari sa mga pulis. Napasapo naman siya sa sintido nang maramdaman ang pananakit ng ulo. Ibig niyang mahimatay dahil sa mga nangyayari. Paanong nangyaring nawala na lang ito sa ilang sandaling nalingap siya? "Carmina, sigurado akong may kumuha kay Baby JR. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD