NGUMITI si Betla habang nakatitig sa dalawang taong gulang na batang lalaki habang naglalaro ito ng baril-barilan sa tabi niya. Humahagikgik pa ito na tila tuwang-tuwa sa ginagawa; ang mga mata nito ay nakatitig sa isang pamilyang malapit din sa kanila. Mula sa bata ay nilingon ni Betla ang babaeng katabi at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Hindi mapagilan ng matandang bakla ang pagsilay ng ngiti sa mga labi habang nakatitig sa inaanak nitong nakasuot ng itim na toga at graduation cap. "Ang bilis ng mga taon, ano? Parang kahapon lang, kabadong-kabado ka pa sa pagpasok sa school, pero now, look at you." Hindi nito mapigilan ang pagdungaw ng luha sa gilid ng mga mata. Nilingon naman siya ni Carmina matapos nitong hubarin ang graduation cap sa ulo nito. "Ninang talaga! Napaka-emotional