Chapter Sixty

1793 Words

NAKANGITING nakatanaw si Carmina sa mga ligaw na bulaklak sa tabi ng puno sa loob ng sementeryo habang malayang nakaupo sa tabi ng puntod ng yumaong ina. Sapu-sapo niya ang kaniyang tiyan dahil kanina pa sumisipa ang anak niya. Mula sa mga ligaw na bulaklak, nabaling naman sa ibang mga tao sa loob ng sementeryo ang paningin niya. Malawak ang sementeryo kaya malayang nakakapaglaro ang ibang kabataan sa paligid. Natanaw pa niya ang isang buong pamilya na masayang magkakasama at nagkakainan sa tabi ng puntod ng mahal nila sa buhay. Nagbuga siya ng malalim na hangin. Mula sa mga ito ay nabaling ang tingin niya sa bilugan niyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon at anumang araw ay puwede na siyang manganak. Kahapon matapos ng pag-uusap nila ni Olivia, sinunod niya ang payo nito at nanatili na l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD