Chapter Fifty-nine

2072 Words

MAHIGIT pitong buwan na rin ang lumipas simula nang ma-comatose si Gabriel ngunit wala pa ring pinagbago ang kalagayan nito. Maliban sa paghilom ng sugat gawa ng pagkababaril dito ay wala pa ring senyales na magigising ito sa coma. Hindi nagpo-progress ang kalagayan nito katulad ng sinabi ng doktor, na maaaring maging ganoon na ito habang-buhay—isang lantang-gulay. Ngunit hindi siya sumusuko. Ni minsan ay hindi nawala sa mga puso nila ang pag-asa na isang araw ay gigising din ito at makakasama nilang muli. Kagaya na lamang ng araw na iyon. Nakaupo siya sa tabi nito at masayang nagkukuwento tungkol sa isang magandang palabas na napanood niya. Kung tratuhin niya si Gabriel ay tila nakahiga lamang ito ngunit gising na gising at nakikinig sa kaniya. Ganoon ang naging buhay niya sa loob ng ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD