AYAW tumigil sa pagbuhos ang mga luha ni Carmina habang nakatitig sa pinto ng emergency room kung saan naroon si Gabriel. Matapos itong barilin ni Julius ay isinugod ito sa St. Luke's Medical Hospital. Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya at anumang oras ay babagsak na siya sa sahig. Ilang bala rin ang tinanggap ng katawan ni Gabriel upang masigurong ligtas siya, bago ito tuluyang bumagsak sa sahig. Nangangamba siyang baka hindi iyon kayanin ng lalaki. Marahas siyang umiling sa naisip. Hindi puwede. Hindi niya kakayaning mawala ito sa buhay niya. Mahigpit siyang niyakap ng Ninang Betla niya habang inaalo nito sa likod. Mariin siyang lumunok dahil sa nararamdamang sakit ng lalamunan. Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya at lumalabo ang paningin niya. "A-ano'ng g-gag