NANG makarating sa pantalan ng yacht club ay nakangiting nagpaalam si Carmina kay Gabriel. Inalok pa siya ng lalaki na ihahatid na sa kanila, ngunit magalang siyang tumanggi rito. "K-kaya ko na," sabi pa niya bago akmang bababa nang muling matigilan nang pigilan siya ni Gabriel sa braso. Lumabi siya bago lumingon sa lalaki. Bumungad sa kaniya ang seryoso nitong mukha. Ibinuka nito ang bibig tanda na may sasabihin ito, pero wala namang lumabas na salita mula sa mga labi ng binata. Ngumiti siya rito. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako," aniya at marahang ibinaba ang kamay ng binata na nakahawak pa rin sa braso niya. Huminga siya nang malalim saka mabilis na humakbang nang malalaki upang agad na makalayo sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pinag-usapan nila kanina. La