PALUBOG na ang araw nang huminto ang kotseng sinasakyan ni Carmina sa isang yacht club sa Maynila. Kunot-noo niyang nilinga ang mga mata sa paligid nang tuluyang makalabas ng sasakyan. Ang magandang tanawin ng papalubog na araw ang siyang naging dahilan upang mabawasan ang matinding kaba na nararamdaman niya. Ramdam niya ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang pisngi, nalalanghap niya ang amoy ng dagat na nagkulay kahel dahil sa pulang araw, kaysarap pagmasdan ng buong paligid. Nawili siyang tingnan ang tanawin sa paligid kaya hindi niya agad napansin ang paglapit ng isang lalaking nakasuot ng puting uniporme. Magalang itong bumati sa kaniya ng magandang hapon na tinugunan naman niya ng isang ngiti. Matapos nitong kunin ang dalang bag at magpaalam sa driver ni Gabriel na siyang su