ILANG ulit na nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman habang nakatingin nang diretso sa mga mata ng binata. Kung siya ay halos hilingin nang sana ay kainin na lang siya ng lupa, si Gabriel naman ay abot langit ang katuwaan. Kitang-kita iyon sa nangingislap nitong mga mata at malapad na ngiti. "G-gago! Gising ka pala!" bulyaw niya rito. Sinusubukan niyang itukod ang palad sa sahig upang makatayo ngunit hindi niya magawa. Nahihirapan siya iproseso sa utak ang mga dapat gawin dahil sa matinding kaba. Nagpakawala ng mahinang tawa si Gabriel. "Good morning too, beautiful." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit, nanghihina ang mga tuhod niya kaya gustuhin man niya, hindi niya magawang tumakbo palayo. Hindi rin niya kayang magsungit dito dahil kasalana