NAKAUPO sa gilid ng kama si Carmina habang nakatulala sa kawalan. Mahigit kalahating oras na rin mula nang magising siya at wala na ang binata sa kaniyang tabi. Kagabi matapos niyang umiyak ay nahiga sila sa kama at magkatabing natulog, ngunit ngayon ay wala na ito. Nagbuga siya ng malalim na hangin bago nilingon ang espasiyong hinigaan ni Gabriel kagabi. Buong akala niya ay may mangyayari na sa kanila nang hayaan niya ang sarili na humiga katabi ito. Subalit nagkamali siya. Nirespeto ni Gabriel ang pinagdaraanan niya at hinayaan siya nitong makatulog sa mga bisig nito. Muli siyang nagbuga ng hangin bago tumayo at pumasok sa banyo. Mahigit sampung minuto lamang siyang naligo at matapos niyon ay agad na siyang nagbihis upang makababa. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga sandaling iy