HUMINGA nang malalim si Carmina. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago tuluyang humakbang sa basang buhangin hanggang sa maramdaman niya ang lamig na dulot ng paghampas ng dagat sa paanan niya. Habang naglalakad palapit sa mahabang bato sa hindi kalayuan, bigla niyang naalala ang sinabi ng Ninang Betla niya. Abala siya noon sa pag-iimpake ng mga damit nang lapitan siya nito at isuksok sa loob ng bag niya ang kung ano. "Tibak, inaanak! Epiktibo sa pang-aakit! Naku, suotin mo iyan at magpakita ka kay Master Arellano! Malay mo, maakit mo siya at tuluyang maagaw sa fiancée niya! Pak!" Napailing siya matapos maalala ang usapan nila. Hindi niya naisip na magagamit nga niya talaga ang itim na tibak na pinadala ng ninang niya, pero hindi para agawin si Gabriel sa jowa nito, kundi para mag