Chapter Thirty-eight

3015 Words

LUMALIM ang bawat paghinga ni Carmina kasabay ng pag-angat sa ere ng kanang kamay niya at malakas na hinampas sa balikat ang binata. "Ulol ka ba? Ano ba iyang pinagsasabi mo? Ayoko na nga! Ibalik mo ito! Ayoko nang tumuloy!" Hindi niya mapigilan ang pamamasa ng mga mata sa sinabi ng lalaki. Kahit ang puso niya ay hindi mapakali. Kawawala lang ng pinakaimportanteng tao sa buhay niya, hindi niya kakayanin ang muling mawalan. "Love, naninigurado lang ako—" "Hindi bale nang makita kita sa kandungan ng iba, huwag lang sa loob ng kabaong!" Naluluhang nilingon niya ang binata. "Kung ako ang dahilan kaya ka pinagbabantaan ng gagong iyon, huwag na natin ituloy ang kasal! Hindi kita kailangan! Kaya kong buhayin ang anak natin! Kaya kong mag-isa pero hindi ang makita ka sa ganoong kalagayan!" Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD