PUMARADA ang kotseng sinasakyan nila sa tabi ng daan kung saan malapit sa eskinitang papasukan niya. Malakas ang kabog ng dibdib nang muli niyang lingunin si Gabriel upang makita ang mukha nito. Sa tuwing nakatitig siya sa mukha ng binata, tila bula na biglang naglalaho ang lahat ng pangamba niya. Katulad na lamang sa mga oras na iyon. "Ano'ng gagawin natin?" nagawa niyang itanong dito. Seryoso ngunit walang pangamba ang mukha ng lalaki. Tila relax na relax pa nga ito. Nilingon siya ni Gabriel at nginitian. Hinawakan nito ang kamay niya at naramdaman niya ang pagpisil ng lalaki roon. "Stay here." Mabilis na kumunot ang noo niya sa narinig. "S-saan ka pupunta?" Hindi na siya sinagot ni Gabriel at tuluyan na itong lumabas. Laking pasalamat niya dahil marami pa rin ang tao sa lugar nila s