PUMASOK si Gabriel sa loob ng isang malaking gusali sa gitna ng gubat. Tila ito abandonado kung pagmamasdan mula sa labas, ngunit ang loob ay puno ng kagamitan na parang sa isang bahay na pinamamahayan ng mga tao. Ito ang nagsisilbi nilang hideout na siyang pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Liandro. Naglalagi sila roon sa tuwing may pinagpaplanuhan, o may nahuhuling tauhan na ipinadala ng kalaban. Doon madalas torture-in ni Liandro ang mahuhuling ispiya bago ito ipatapon sa ilog. Pagkapasok niya sa loob ay nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa basement na nagsisilbing torture room nila. Bahagyang kumunot ang noo niya nang tanging sina Zacharias at Liandro lamang ang bumungad sa kaniya sa pagbaba niya. Sa kaliwang banda ng basement ay naroon ang bar counter, sa likod nito ay ang napak