Chapter Sixty-six

1826 Words

PAREHONG tahimik sina Carmina at Gabriel nang matapos panoorin ang bidyo at makalabas ng bahay ng mag-ina. Pumasok sila sa kotse nito at dali-dali iyong pinatakbo ni Gabriel patungo sa lugar nila noon. Nanginginig siya sa matinding galit. Gusto niyang balatan nang buhay si Tanya. Oo, alam niyang hindi sila magkaayos, pero hindi ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magagawa nitong gawin ang bagay na iyon. Isa pa, matagal na silang hindi nagkikita. Kaya bakit? Bakit bigla-bigla na lang itong papasok uli sa buhay nila at dudukit ang anak niya? Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi. Kapag nalaman niyang may hindi ito magandang ginawa sa anak niya, patawarin siya ng Diyos pero masasaktan niya ito. Ilang minuto pa ang lumipas, huminto na ang kotse ni Gabriel sa tapat ng eskinit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD