Chapter Sixty-seven

1469 Words

SA ISANG mesa malapit sa labas pumuwesto sina Carmina at ang bagong dating na lalaki, si Pj. Nilapag niya ang isang soft drink sa harap nito saka umupo sa katapat na silya. Inipit niya sa likod ng tainga ang ilang buhok na humaharang sa mukha niya saka binalingan ang binata. "Akala ko, hindi mo na ako matatandaan." Banayad itong ngumiti sa kaniya. "Minsan lang tayo nakapag-usap noon, pero natutuwa akong malaman na naaalala mo pa rin ako, pati ang pangalan ko." Pinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at bahagyang tumango. "K-kumusta ka na? Kayo pa rin ba ni Tanya? Tatlong taon na rin ang lumipas." Hindi siya makapaniwala nang maalala ang lalaking bigla na lang nagpakita sa harap niya kanina. Buong akala niya ay nananaginip siya, ngunit nang masigurong ito nga ang nobyo ni Tany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD