MAHIGPIT ang pagkahahawak ng binatang si Gabriel sa kamay ni Carmina habang naglalakad sila patungo sa tuktok ng burol kung saan may coffee shop na nagpapaupa ng kuwarto para sa mga turistas. Kasalukuyan silang nasa Aningalan, San Remigio, Antique. Dinala siya roon ng lalaki para sa unang date nila. Umihip ang malakas na hangin at nakangiti niya itong sinamyo. Inikot niya ang paningin sa paligid at mas lalo lumapad ang kaniyang ngiti nang masilayan ang naggagandahang mga bulaklak sa paligid. Nakahilera sa daan ang iba't ibang klase ng bulaklak na talaga namang nagpapabusog sa mga mata niya. Hindi siya mahilig sa mga pambabaeng bagay o kahit na anong matatawag na 'cute', ngunit hindi niya mapigilan ang matuwa sa ganda ng paligid niya. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi mararamdaman ang