Chapter Thirty-five

1821 Words

PAKIRAMDAM ni Carmina ay sasabog ang puso niya sa labis na tuwa. Matagal siyang nakatitig sa simpaticong mukha ni Gabriel at pilit tinitingnan kung may sinyales ng pagbibiro, pag-aalinlangan o pagsisisi sa mukha nito, kasi kung mayroon ay nakahanda siya tumayo at maglakad palayo sa mismong oras ding iyon. Ngunit ni katiting ay wala siyang makita. Nilingon siya nito at nginitian nang makitang nakatitig siya sa binata. Sinuklian niya naman ito ng isang matamis na ngiti. Ang simpleng bagay na sinabi nito sa harap nila, sapat na para patibukin nang triple ang puso niya. Ngayon niya masasabi na talagang hindi siya nagkamali sa piniling desisiyon. "Kung ganoon ay wala na akong magagawa," muling nakuha ng matandang babae ang atensiyon nila. Mula sa isa't isa ay nalipat ang tingin nilang lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD