Kabanata 47 “We’re on the news already,” sabi sa akin ni Enzo. Magkatabi kami sa loob ng magarang van niya at bumabiyahe papunta sa susunod naming pupuntahan. Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. “Look...” Nahihiya mang lumapit sa kanya nang husto ay sumilip ako sa cellphone niya at tiningnan kung ano ang nandoon. “H-Ha?” Agad akong napatingin sa kanya. “Ano’ng dating? Hindi naman tayo nagdi-date,” kunot-noong sabi ko. “We’re not, pero ‘yon ang tingin ng mga tao,” kaswal niyang sagot. “And that’s what the company and my management wants. It’s all part of the plan, Joy. This is to stir the curiosity of the people; para subaybayan nila at alamin nila kung sino ang kasama ko,” paliwanag niya sa akin at ngumisi. “I’m sure the marketing team of A-ssence already foresaw this.” “S-So an

