Kabanata 74 - Part I Pinunasan ko ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo matapos kong linisan ang magiging kwarto ni Elizabeth. Darating na siya mamayang hapon para dito na manirahan sa bahay ng mga Silvestre. At dahil ayaw ni Alas na makasama siya sa iisang kwarto ay pinalinisan niya ang kwartong katabi ng kwarto ni Uno. Si Nanay Linda pa sana ang uutusan niya pero ako na ang sumalo dahil ayokong mahirapan ang matanda. Hindi na raw kasi babalik si Ate Marie kaya kami na ni Nanay Linda ang sumalo sa nabakante niyang trabaho habang naghahanap pa si Alas ng magiging kapalit niya. Iginala ko ang tingin sa kwarto. Hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin para maibsan ang bigat na nararamdaman ko. Ewan ko ba, parang ayokong manirahan sa iisang bubong kasama si Elizabeth. Hindi yata ako m

