Kabanata 73 Alam kong malalagay ako sa alanganing posisyon sa oras na bumalik ang nanay ni Uno. Alam kong malaking adjustment ang gagawin ko, pero mas mahalaga sa akin ang ikakabuti ng bata. Masyado na akong napalapit at napamahal sa kanya na umabot na sa puntong parang anak na rin ang turing ko sa kanya. Kaya sobrang sakit sa dibdib na makita siyang nahihirapan at umiiyak. I only want what’s best for him, and if bringing his mother back would make him feel better, then I won’t mind. Hindi ko na iisipin pa ang mga maaaring mangyari. Nangako naman sa akin si Alas kaya panghahawakan ko na lang ‘yon. I will choose to believe him. “Are you serious, kuya?” Napatingin ako kay Ma’am Antonette. Bakas sa mukha niyang tutol siya sa sinabi ni Alas na papabalikin niya sa pamamahay niya si Elizabeth

