Kabanata 51 Pagkauwi namin ni Uno ay unang bumungad sa amin ay si Sir Alonzo na nakaupo sa sofa at nakatingin sa amin. Naniningkit ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin na wari’y may nagawa akong kasalanan. “Maaga po yata kayo, sir?” kaswal na tanong ko sa kanya bago ko pinalapit ang bata sa kanya at pinagmano. “Medyo masakit ang ulo ko kaya umuwi ako nang maaga,” tugon niya bago kinuha ang bata at kinandong. “Hanggang ngayon po?” “Sort of. Pero mawawala lang din ‘to.” Tumango lang ako sa kanya. “Sir, pwede po bang kayo muna ang magbantay kay Uno? Tutulungan ko pa po kasi si Nanay Linda sa mga gawaing bahay.” “Aren’t you tired?” puno ng pagtatakang tanong niya sa akin. “You just got home.” Ngumiti ako sa kanya. “Kaya ko pa po, sir. Sanay na po akong magkayod-kalaba

