Kabanata 43 Alonzo’s Point of View “Sure ka ba talagang ayaw mong sumama?” tanong sa akin ni Alexander. Nandito siya sa opisina ko para lang alukin akong mag-night out dahil wala raw siyang kasama. Busy raw si Thadeus at si Daxon naman ay ayaw lang talagang sumama. Habang si Damian naman ay siyempre, nasa probinsya at busy rin sa duties niya bilang public servant. “No. Uuwi ako nang maaga sa bahay,” sagot ko sa kanya habang ang focus ko ay nasa laptop ko. Tinatapos ko na lang kasi ang natitirang trabaho ko at nang makauwi na ako. “Alas, nabagok ba ang ulo mo?” tanong niya bago niya hinila ang upuan palapit sa akin. Tiningnan niya ang mukha ko. Naniningkit ang kanyang mga mata habang sinusuri ako. “Bumalik ka na ba sa old version mo? Good boy ka na ba ulit?” aniya at ngumisi pa. “I’m j

