Kabanata 78 – Part II Kasalukuyan kong tinutulungan si Alas na mag-impake ng mga gamit na dadalhin niya sa bakasyon nila. At habang ginagawa namin ‘yon ay hindi ko mapigilang mapaisip kung ano kaya kung kami naman ang magbakasyon; kung ako naman ang kasama niya? Pero siyempre, alam kong hindi pa pwede dahil masyado pang komplikado ang sitwasyon. “Anon pasalubong ang gusto mo pag-uwi?” nakangiting tanong niya sa akin habang inilalagay niya ang mga damit niya sa maleta. “Name it and I’ll get it for you.” “Nako, huwag na. Mag-focus ka na lang sa pamamasyal n’yo ng anak mo. Ituon mo ang atensyon mo kay Uno para masulit ang bakasyon,” tugon ko sa kanya. “Kung ano lang ang dadalhin mo pag-uwi, ‘yon na.” “So, my díck?” malokong hirit niya. “How I wish na ikaw ang kasama namin ni Uno, pangga,”

