Kabanata 78 - SPG Ilang araw na ang lumipas mula nang marinig kong umiiyak si Uno, at mula noon ay naging mas mapagmatiyag ako. Pasimple kong inoobserbahan si Elizabeth—ang mga ikinikilos niya, ang pagtrato niya sa bata, pati mga simpleng tingin at pananalita niya. Pero wala naman akong napapansing kakaiba. Hindi ko rin masabi-sabi kay Alas dahil naging busy siya nitong mga nagdaang araw. Ni hindi na kami nakakapag-usap nang maayos dahil abala siya sa pagtapos ng mga trabaho niya sa opisina dahil sa ipinangako niyang Disneyland trip sa anak niya. Bukas na ang alis nila kaya naman ay lumabas ang mag-ina para mamili ng mga gamit. Akala ko nga’y isasama nila ako para may magbibitbit ng mga gamit nila, pero si Nanay Linda ang isinama nila. Nag-offer pa ako na ako na lang dahil baka hindi na

