Kabanata 33 Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Sir Alonzo. Hindi ko kasi alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang siya lang daw ang may karapatang magsabi sa akin kung kailan kami titigil. Anong tingin niya sa sarili niya, diyos? Nagsisisi na nga ako sa nagawa ko. Seryoso ako sa sinabi kong hindi dapat ‘yon nangyari. Pero dahil nangyari na ay wala na akong magagawa kundi ang ibaon na lang ‘yon sa limot. Mabilis ko lang naman din sigurong makakalimutan ‘yon lalo na’t hindi ko naman madalas makita si Sir Alonzo. Itutuon ko na lang kay Uno ang atensyon ko. Kung pwedeng umiwas nang tuluyan sa amo ko ay gagawin ko. Hindi ko kasi mapigilang maalala ang nangyari sa amin sa tuwing nakikita ko siya. Naaalala ko rin ang katangahan ko; ang kahinaan ko. Hindi ko rin si

