Kabanata 32

2077 Words

Kabanata 32 Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bahagya pa akong nataranta nang mapansing wala ako sa sariling kwarto ko, pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay napakagat na lang ako ng labi at mahinang napamura. Maingat akong bumangon habang napapangiwi dahil sa magkasabay na kirot na nararamdaman ko sa aking ulo at sa pagitan ng mga hita ko. Maging ang parte ng katawan ko mula sa aking balakang pababa ay medyo masakit din. Huminga ako nang malalim at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Nilingon ko ang kama at nakita ang pulang mantsang naroon sa parteng hinigaan ko. “Anong nagawa mo, Ligaya?” naibulong ko na lang sa sarili ko bago ako tuluyang bumangon habang yakap-yakap ang kumot. Mabagal ang bawat galaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD