Kabanata 82 –Part I “Masagana! Masagana!” Nagising ako sa sigaw ng konduktor. Agad kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Madilim pa rin ang kalangitan at wala pang kahit na anong bakas ng papasikat na araw ngunit nagsisimula nang maging abala sa paligid ng terminal. Agad akong naghanda para bumaba, pero agad ding napaupo nang bigla akong mahilo at parang masusuka—hindi ko lang alam kung dahil ba sa mahabang biyahe o dahil sa pagbubuntis ko. “Kuya, anong oras na po?” tanong ko nang makalapit ako sa konduktor. “Mag-a-alas kwatro na.” “Sige po, salamat,” tugon ko bago tuluyang bumaba. Halos apat na oras din pala ang byahe ko, kaya pala ganito na lang ang panghihina ng aking katawan. Pumunta na muna ako sa isang tindahan para bumili ng cup noodles at nang mainitan naman

