Kabanata 82 – Part II Alonzo’s Point of View “Kuya, ano, wala ka man lang bang gagawin?” bulyaw sa akin ni Antonette. She rushed to my house as soon as I told her that Ligaya was gone. Nakaupo lang ako sa couch habang hawak-hawak ang liham na iniwan niya para sa akin. She also left her phone to make sure we can’t contact her. “Kuya!” “Shut up, Antonette!” singhal ko sa kanya. “Even just for once, shut up and give me the peace I need right now!” Huminga ako nang malalim. Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel na halos malukot na ito nang husto. “I...” Wala akong makapang salita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I am so dumbfounded. Ni hindi ako nakapasok sa trabaho dahil blangko lang ang isipan ko. Wala akong maisip na kahit na anong dahilan para umalis siya—para iwan niya ako.

