Kabanata 21 Nang mapansin kong tulog na tulog na si Uno ay napagdesisyunan ko nang lisanin ang kwarto niya. Gusto ko na rin kasing matulog dahil pagod na pagod ang katawan at utak ko buong maghapon akong nakipaglaro kay Uno habang tinuturuan siya sa mga lesson na kailangan niyang habulin. Halos sumadsad na ang mga paa ko habang bumababa ako sa hagdan. Naubos talaga pati reserba kong lakas. Iba talaga ang pagod kapag pati utak ay pagod. Idagdag mo pa ang kaylagkit na pakiramdam ko dahil sa natuyong pawis sa katawan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay unang bumungad sa akin ay ang damit na sinuot ko kagabi na naka-hanger sa may cabinet ko. At muli ko na namang naalala ang ginawa ni Sir Alonzo. Napailing na lang ako bago dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay binalot ko l

